Simula nang itatag ang BARMM, patuloy na bumababa ang antas ng kahirapan sa rehiyon. Mula sa 𝟓𝟐.𝟔% noong 𝟐𝟎𝟏𝟖, 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐯𝐞𝐫𝐭𝐲 𝐢𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐬𝐚 𝟐𝟖.𝟎% 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟏, at 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐦𝐮𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝟐𝟑.𝟓% 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟑. Ang pagbaba ng kahirapan ay kitang-kita sa bawat taon, at maging sa mga datos ng poverty incidence para sa unang semestre ng 2023 na inilabas ng mas maaga ngayong taon.
Ang 𝐭𝐮𝐥𝐮𝐲-𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐞𝐩𝐞𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐛𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐞𝐤𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨. Noong 2023, 76.5% ng mga pamilya sa rehiyon ay hindi na itinuturing na mahirap, at ang BARMM ay hindi na rin ang pinakamahirap na rehiyon sa bansa, ito ay isang patunay ng makabuluhang pag-unlad at positibong pagbabago sa rehiyon. Sa parehong taon, ang bawat pamilyang Bangsamoro na mayroong limang miyembro ay nangangailangan ng ₱12,884.30 kada buwan upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at iba pa.
Ang poverty incidence ay ang porsyento ng mga pamilya sa isang lugar na may kita na mas mababa sa itinakdang poverty threshold—ang halagang kailangan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at tirahan. Sa madaling salita, ang bawat pagbaba sa porsyento ng poverty incidence ay nangangahulugan na mas kaunti ang bilang ng mga pamilyang hirap na makamit ang mga batayang pangangailangan ng kanilang araw-araw na pamumuhay.